San Francisco, sagutan natin ang sensus!
Ang 2020 Sensus ay isang bilang ng lahat ng tao (oo, lahat!) sa U.S. para mapagpasiyahan ang distribusyon ng pampulitikang kapangyarihan at pondo mula sa pederal na gobyerno. Kapag nabilang tayong LAHAT, natitiyak din natin na makatatanggap ang San Francisco ng sapat na rekurso para sa ating mga komunidad.
Siguraduhin na kabilang kayo bago mag Mayo.
Bisitahin ang my2020census.gov o tumawag sa 844-478-2020 para masimulan ito.
Handa na ba kayo para sa sensus?
Maaari ninyong sagutan ang sensus online o sa internet, sa telepono or sa mail . Padadalhan ng Sensus Bureau ng sulat ang karamihan ng tao; may kasama itong instruksiyon kung papaano sagutan ang sensus gamit ang internet o sa telepono.
Kailangan ba ninyong tulong?
Maaaring tawagan ang mga organisasyon na ito para makahingi ng tulong sa pagkumpleto ng sensus form:
South of Market Community Action Network (SOMCAN)
Tungkol sa Sensus
Ano ba ang sensus
Tinatawag na sensus ang pagbilang ng pederal na gobyerno sa bawat taong nakatira sa Estados Unidos. Nangyayari lamang ito ng isang beses bawat 10 taon ayon sa utos ng U.S. Constitution.
Bakit natin ginagawa ang sensus
Mahalaga ang papel ng sensus sa pangaraw-araw na buhay ng lahat. Ginagamit ng gobyerno at ng mga negosyo ang datos ng sensus para malaman:
- Ang halaga ng pondo na matatanggap ng mga estado para sa mga paaralan, ospital, daanan, at mga pampublikong serbisyo
- Kung saan dapat magtayo ng mga bagong daan, linya ng transportasyon, at mga negosyo
- Kung saan ilalagay ang pagguhit ng hangganan sa bawat lokal at estadong distrito, base sa populasyon
Sino ang binibilang sa sensus
Binibilang ng Sensus Bureau ang lahat ng taong na ninirahan sa Estados Unidos bawat 10 taon. Binibilang ng sensus ang LAHAT, kabilang dito ang mga bagong panganak na sanggol at mga matatanda, mga taong walang tirahan, mga imigrante, at mga taong hindi nakapagsasalita ng Ingles. Dapat sagutan nating lahat sa lalong madaling panahon.
Paano ba ang sagutan ang sensus
Maaari ninyong sagutan ang sensus online, sa telepono or sa mail. Padadalhan ng Sensus Bureau ng sulat ang karamihan ng tao; may kasama itong instruksiyon kung papaano sagutan ang sensus gamit ang internet o sa telepono.
Ang unang paraan kung paano sagutan ang sensus ay sa pamamagitan ng internet/online. Ang online na sensus ay makukuha sa 13 na wika: Arabe, Tsino (Simplified), Ingles, Pranses, Haitian Creole, Niponggo, Koreano, Polish, Portuguese, Russian, Espanyol, Vietnamese, at Tagalog.
Masasagutan din ang sensus gamit ang telepono.
Ang mga wikang magagamit sa pagkumpleto ng sensus sa telepono ay: Arabe, Cantonese, Ingles, Pranses, Haitian Creole, Niponggo, Koreano, Mandarin, Polish, Portuguese, Russian, Espanyol, Vietnamese, at Tagalog.
Puwede ko pa bang sagutan ang sensus gamit ang koreo/mail
Kung hindi ninyo makumpleto ang sensus sa online o sa telepono, maaari kayong padalahan ng Sensus Bureau ng papel na form (palatanungan) sa pamamagitan ng koreo/mail. Matatanggap ninyo ang mga Ingles na form na ito sa kalagitnaan ng Abril. Hindi maaaring mag-request ng form sa Espanyol mula sa Sensus Bureau.
Kailan ko puwedeng sagutan ang sensus
Puwede ninyong gawin ang sensus sa online, telepono or sa koreo sa anumang panahon sa kalagitnaan ng Marso hanggang Oktubre 15, 2020. Kung hindi ninyo nakumpleto ang sensus, maaari kayong puntahan ng isang empleyado ng Sensus Bureau sa inyong tirahan para masagutan ito ng harap-harapan.
Paano kung wala akong natanggap na sulat mula sa Sensus Bureau
Kahit wala kayong natanggap na sulat mula sa Sensus Bureau, maaari at dapat ninyo kumpletuhin ang sensus! Masasagot ang sensus ng kahit sino man gamit ang telepono o online/internet mula sa gitna ng Marso hanggang Oktubre 15. Walang PIN o numero sa ID na kinakailangan para sagutan ang sensus.
Ano ang mga tanong ang nasa sensus
Ang sensus ay nagtatanong ng 9 na simpleng tanong tungkol sa inyo at sa mga taong kasama sa inyong kabahayan. Itatanong kung ilang tao ang nanirahan sa inyong bahay at kung kayo ang nagmamay-ari o nangungupa nito. Itatanong din ang inyong pangalan, kasarian, edad, araw ng kapanangakan, etnisidad at lahi.
Sino ang dapat kong bilangin sa aking sensus form
Kung kayo ang sasagot sa form para sa inyong kabahayan, dapat kabilang ang lahat na mga nakatira sa bahay ninyo sa Abril 1, 2020. Kasali dapat dito ang lahat ng mga kamaganak, bata at sanggol, at mga kasambahay.
Tatanungin ba ako ng sensus tungkol sa aking katayuan sa imigrasyon o kung citizen ako
Hindi tatanungin ng sensus ang tungkol sa inyong katayuan sa imigrasyon o sa pagiging citizen ninyo o ng inyong pamilya.
Hindi ninyo kinakailangang maging citizen para sagutan ang sensus.
Binibilang ng sensus ang lahat ng tao na naninirahan sa Estados Unidos, kaya dapat gawin nating lahat!
Kumpidensyal ba ang aking personal na impormasyon
Kumpidensyal ang inyong personal na impormasyon. Ayon sa pederal na batas, kailangan protektahan ng Sensus Bureau ang inyong personal na impormasyon. Maaari lamang ibahagi ng Sensus Bureau ang inyong anonymous (walang pangalan) na impormasyon para sa mga istatistika.
Paano ba ginagamit ang mga sagot ko sa sensus
Ginagamit ang datos mula sa sensus sa iba’t ibang paraan na makatutulong sa ating komunidad.
- Ginagamit ng pederal na gobyerno ang datos ng sensus para malaman kung magkano ang pondo na matatanggap ng San Francisco para sa pampublikong serbisyo at programa para sa komunidad.
- Ginagamit ng mga lokal na gobyerno ang datos sa sensus para sa pag-plano ng mga paaralan, ospital, daanan, at iba pang pampublikong serbisyo.
- Ginagamit ng mga negosyo ang datos ng sensus para malaman kung saan magtatayo ng mga pabrika, opisina at tindahan na makagagawa rin ng mga trabaho.
Puwede ba akong humingi ng tulong sa pagkumpleto ng sensus
Mayroong mga organisasyon na handang tumulong para sagutin ang inyong mga katanungan tungkol sa sensus. Makatutulong ang mga organisasyon na ito sa pagsagot sa sensus.
Humanap ng San Francisco Census Help Center sa inyong distrito.
Bakit importante ang sensus para sa San Francisco
Kapag ginawa nating lahat ang sensus, makukuha ng San Francisco ang ating patas na bahagi. Ang ibig sabihin nito ay sapat na pondo para sa ating lokal na serbisyo at pulitikal na representasyon.
Paano ba maging bahagi sa sensus
Kumukuha ng mga empleyado na puwedeng magtrabaho ng part-time (kabahaging oras), o flexible hours (paiba-ibang oras) ang Sensus Bureau sa San Francisco. Pansamantala lamang ang mga trabaho sa Sensus at tatagal ito ng mga iilang linggo. Maaari pa rin kayong magsumite ng aplikasyon ngayon.
Puwede rin kayong sumali sa pagbahagi ng impormasyon tungkol sa sensus sa inyong komunidad.